literature

Yosi

Deviation Actions

vanillajazmine's avatar
Published:
163 Views

Literature Text

Nakapiit sa bughaw na kahon
Nakikipagsisikan sa kapwa presong naroon
Itaktak mo ang impyernong ito
Hatakin mo ang payat na katawan ko

Kaibigang posporo, nasaan ka?
apoy mo sakiy ihalik,
usok kong binubuga..
tila isang sumasayaw na kaluluwa.

mahal ko, sa iyong labi nasasabik,
sa diwa ko ikay di nawawaglit
daliri ay laging nakayapos
ika'y mamahalin, hanggang akoy maupos

Sa paglaho ng aking sindi,
munting buto at malambot na abo,
puso at dilang nababalutan ng pait,
sayo giliw ang tanging iiwan ko..
Yosi
© 2012 - 2024 vanillajazmine
Comments5
Join the community to add your comment. Already a deviant? Log In
bjworks's avatar